1.09.2006

sabi nila, siya parin. sabi nila balikan ko parin ang dati. dahil nakita nilang dun ako masaya, nakita nilang dun talaga ako bagay. sabi nila yun. pero anu ba tlga? gusto ko ba? oo, gusto ko. pero hindi ba nakakatakot? at lalo nang nakakahiya? at sobrang hindi ba't huli na ang lahat? yun kasi ang pinaparating niya sakin. na huli na, na wag na akong lumapit pa't guluhin ang buhay niya. dahil wala na. wala na talaga. oo nga, e bat pa kasi ako makikialam. hindi ba't marami na akong nagawang kamalian sa kanya? hindi ba't marami na akong sakit na naidulot sa kanya? bakit ba babalik pa ako at maninira ng buhay niya? dahil ba gusto ko siyang saktan ulit? dahil ba sa tingin ko HINDI PA SAPAT ANG SAKIT NA BINIGAY KO SA KANYA? hindi pa ba sapat?? siguro yan ang iniisip niya. hindi ba? pero hindi. hindi dahil gusto ko pa siyang paglaruan. HINDI KO NAMAN SIYA PINAGLARUAN KAHIT KAILAN. ang pinaglaruan ko lang ang sarili ko, dahil inuto ko ang sarili ko na wala akong nararamdaman para sa kanya, na sobrang isang kasinungalingan dahil ALAM NAMAN NATING LAHAT KUNG GAANO KO SIYA kamahal? ka gusto? kaMAHAL. hindi ba? pero kung sa tingin niya ay niloko ko siya, HINDI, hindi ko kahit kailan ginawang LOKOHIN SIYA. OO alam ko TANGA AKO, umiwas ako. NAGHANAP NG BAGO, GUMAWA NG GULO. pero KUNG SA ISIP NIYO NA SINAKTAN KO SIYA NG SOBRA, anu PA KAYA AKO? tanga na nga ako, pinakawalan ko pa ang kaisa-isang taong... -nagmamahal sakin? na may pakialam sa akin? na napaka pasensya sa akin? na siyang hindi ko manlang inalagaan at itinago. PINABAYAAN. masakit? hindi ba? maraming beses na rin akong ginanyan. pero ang mas masakit pala, ang pabayaan ang taong iyon. makitang madapa, masaktan, at akayin ng IBA. na ikaw naman ang nagdulot ng sakit, pero iba naman ang NAGBUHAT SA KANYA. hindi ko maintindihan. bakit ba ako ganito? hindi ko na alam... ayoko na talaga sana... AYOKO NA SANA PANG BUMALIK AT SAKTAN SIYANG MULI. pero gusto kong MALAMAN NIYA NA mahal ko siya, na hindi lang siya nasasaktan. na ayoko na siyang makitang nasasaktan, na ako ang aakay sa kanya, tutulong sa kanya, magpapagaling sa mga sugat niya. ayoko na sana talaga, KUNG HINDI KO LANG TALAGA SIYA mahal.




--***--

here is my star see how she shines in the light of day never see her light here is my star see how she shines in the vast sky i keep her mine she keeps making circles in my head at lover's gates here i stand no one to hold to hold my hand at lover's gates here i stand here in the cold see my star land she is this obsession in my life so tell me now why d'you have to be why d'you have to be so cold you didn't have to be you don't have to be so cold i look much older so they say it feels much colder in this place it seems so empty without my star i feel no warmth i raise my hand to meet the light stared at my star till i was blind here is my star is it mine so quit this perversion in my mind

2006
jan.
2005
dec. nov. oct. sep. aug. jul. jun. may. apr. mar. feb. jan.
2004
nov. oct. sep. aug. jul.

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com